Sige na. Siya na.
Siya na prinsesa mo. Di mo nga siguro siya tinatawag sa ganung term, pero halata naman. Ganyan rin kasi yung naranasan ko noon. Yung mga ginagawa mo para sa kanya ngayon. Baka ang kulang na nga lang eh bulungan mo na rin siya nung tatlong salitang binulong mo sa’kin noon habang nagrereview ako para sa exam ko sa Rizal.
Isa lang nga rin siguro ako sa mga naging ‘ojt mo’. Naalala ko tuloy nung sinabi mo dati na kahit maganda at sexy siya, dun na lang siya sa iba, kasi nakita mo na yung ‘ojt mo’. Kaya di mo rin ako masisisi kung magduda ako na totoo yung naramdaman mo noon.
Sana na lang di siya masyadong ma-spoil sa’yo. Sana di siya masanay. Sana di siya umabuso lalo pa’t balita ko lagi siyang ‘kapos’. Di naman siguro siya ganun, di ba?
Wala lang. Trip ko lang magdrama. XD
Kung tutuusin, wala naman talaga sa’min yung prinsesa mo. Andun, nagtatrabaho sa bangko.