How unfortunate.. :(
Minsan, nakakainis lang isipin na nalilimitahan yung oras ko sa labas dahil lang may “curfew” yung mga jeep papasok sa lugar namin. Lagi akong nagmamadaling umuwi kasi baka wala na kong maabutang jeep. Eh yun lang kasi yung means ko para makapasok sa lugar namin. Ay meron pa pala kaso mahal eh. Buti sana kung safe maglakad mag-isa sa daan ng mga past 9pm na. Nakakatakot kaya. :/
Kung may sarili lang akong kotse at marunong magmaneho, at kung may sense of direction lang ako, pwede akong malate ng kahit kaunti umuwi eh. Di ko naman sinasabing aabusuhin ko kung sakaling magkaroon nga ako ng kotse. Syempre hindi. Kasi sa panahon ngayon, kahit may sarili kang sasakyan, di ka pa rin safe lalo na pag late na. Mas safe pa ring umuwi ng maaga. Pero masaya sana kung di ka masyadong nappressure sa pag-uwi.
Pauwi ka na nga lang, iniisip mo na yung comfort ng bahay niyo, masstress ka pa on the way? Ang saklap.